top of page

Secret Message: Para Sa Aking Mamahalin

  • Teshies
  • Oct 27, 2017
  • 1 min read

Sa totoo lang di ko alam pano ko to sisimulan

Ang alam ko lang sobrang bigat na nitong dinadala ko.

Kaya't heto ilalabas ko ang bawat salita na nabuo ng dahil sayo

Mahal kita, Kahit na alam kong imposibleng magkaroon ng salitang "tayong dalawa"

Dahil patuloy mo padin minamahal ang taong minsa'y ipinagsawalang bahala at tinapon ka

Mahal kita, Hindi dapat kita minahal pero ano bang magagawa ko?

Ikaw pinili nitong puso ko

At ang hirap at ang sakit

Sa tuwing na nakikita kitang nagmamahal ng iba,

Wala akong magawa kundi tignan ka

Panoorin ka, Panoorin ang ang pagkislap ng iyong mga mata sa tuwing makikita mo siya,

At sa pag kislap ng mga ito,

Nakatago ang mga luhang nagbabadyang pumatak

Nandito ako, Handang sumalo o punasan ang mga luhang papatak sa iyong mga mata Nandito ako, Handang pulutin ang mga parte mong nadurog dahil sa iyong pagkakahulog

Handang punan ang kaniyang pagkukulang

At nandirito ako, Handang mahalin ka ng buong-buo

Ngunit uulitin ko, Mahal kita,

Kahit na alam kong imposibleng magkaroon ng salitang "tayo dalawa"

Dahil kaibigan kita

Girl Who Can't Be Moved

2017

Others

 
 
 

Comments


Recent Posts
APPETIZING
ADVENTURES
-
COOKBOOK
Hello Gurl!

Welcome to Hugot-Serye! Your Hugot Thread and Text-Serye in a blog. We make tagos sa puso pati sa kaluluwa Hugot thread and love-tragic with madaming feels Text-Serye story. Enjoy beshy!!

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon

Post Your Love Here

Send us love or post your love in our Love corner. Spread Love! 

What's Your Hinanakit?

Hinanakit Board
Post and share with us your hinanakit and hugot in our Hinanakit Board
A Thread Blog

© 2017 BY Hugot-Serye

PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page