top of page

Message 4: Last Text

  • Teshies
  • Oct 27, 2017
  • 2 min read

Ivy Manansala POV

Ilang araw at gabi na rin ang nakalipas simula ng sagutan namin ni Xander. Masakit kasi alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari saamin. At eto ako ngayon back to normal.

AT SCHOOL

Im back Bangkal High! Masaya kong binaybay ang school namin. Yes Gra-Graduate nako!!!

1 new message.

09955566012 : Hi Ivy, Congrats Graduate ka na:) uhmm di ko alam kung pano sisimulan pero kailangan ko na sabihin yung mga bagay na hindi ko nagawang sabihin sayo noon. Im so sorry sa lahat ng ginawa ko sayo noon at pati sa pagpaparamdam ko sayo ngayon. Di ko naman alam na nasasaktan ka parin gusto ko lang naman maibalik yung dati kahit yung friendship nalang pero ayaw mo na. eto na yung last. Sorry talaga wag ka mag alala I won’t bother you again ivy. This is now a goodbye kase ayoko na masaktan ka pa ulit. You deserve to be happy ivy. Salamat sa ilang araw nating pagtetext kahit di mo alam kung sino ako. Feeling ko magkaibigan na ulit tayo. Salamat sa lahat ng naidulot mo saking maganda. Sana pwede kong bawiin lahat ng sakit na nabigay ko sayo noon para maging masaya ka na talaga at sana mahanap mo ung taong bibigyang halaga at hindi babaliwalain yung pagmamahal mo at hindi di ka sasaktan gaya ng nagawa ko sayo. At sana bumalik na yung masayahing ivy. I know it’s going to be a long and difficult journey para maka move on ako ng tuluyan pero alam kong kayang kaya mo kase ikaw si ivy. This is my goodbye. Im going to study in the US na and sa tingin ko di na kami babalik pa dito sa pinas. We are now going on our own separate ways. Thank you Ivy.

Nang mabasa ko ang huling mga mensaheng ito. Napatigil ako sa paglakad. Unang sentence palang ay alam ko nang si Xander ito. Narealize ko sa sarili ko na habang binabasa ko ang Last Text niya sa akin ay naramdaman kong di ko na nga talaga mahal si Xander pero kahit na ganon ay pinapatawad ko na siya sa mga ginawa niya saakin noon.

Ivy: Pinapatawad na kita. Di ko na papahabain pa sana magingat ka. Pasensya na kung di ko maibalik yang pagmamahal mo sakin siguro nga di tayo ang pinagtadhana. Haha . anw Thankyou Xander:)

Gusto ko din sana magpasalamat kay Xander dahil hindi lang naman puro saket yung mga naramdaman ko sa panahong naging magkasintahin kami. Naging mabuting tao saken si Xander pero ganun naman talaga yata kase lahat, kung kailan masaya ka na, feeling mo napaka perfect na ng tao, at ng panahon para sainyo tsaka naman may mangyayaring napakasakit sainyong dalawa. Ang hirap ng naging sitwasyon namin ni Xander pero narito na kame e, natapos na naming dalawa yung naging relasyon namin, pero yung relasyon na nabuo ko kasama si Xander napakarami kong natutunan at paniguradong dahil sa mga 'yon magiging perfect na talaga ang sunod kong relasyon perfect as in perfect na with matching singsing and I Do sa dulo.

 
 
 

Comments


Recent Posts
APPETIZING
ADVENTURES
-
COOKBOOK
Hello Gurl!

Welcome to Hugot-Serye! Your Hugot Thread and Text-Serye in a blog. We make tagos sa puso pati sa kaluluwa Hugot thread and love-tragic with madaming feels Text-Serye story. Enjoy beshy!!

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon

Post Your Love Here

Send us love or post your love in our Love corner. Spread Love! 

What's Your Hinanakit?

Hinanakit Board
Post and share with us your hinanakit and hugot in our Hinanakit Board
A Thread Blog

© 2017 BY Hugot-Serye

PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
bottom of page