40 "BAKIT" List
- Teshies
- Oct 26, 2017
- 2 min read

40. Bakit kaya lahat nangyari lahat ng ito?
39. Bakit pinagtagpo pa tayo?
38. Bakit pa hinayaan ng tadhana na mahulog yung loob ko sayo?
37. Bakit ngayon nagsisisi ako?
36. Bakit ang daming nasayang na oras?
35. Bakit mahal pa rin kita, kahit wala ng pag-asa?
34. Bakit ako na-fall sayo kahit hindi mo ako sinalo?
33. Bakit kahit na paulit-ulit na, pinapatawad pa rin kita?
32. Bakit sa tuwing nagso-sorry ka, taob agad ako?
31. Bakit sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, ikaw pa yung napili ko?
30. Bakit magiba yung tingin ko sayo, ikaw pa rin nilalaman ng puso ko?
29. Bakit sa tuwing magkausap tayo, nagiiba yung kulay ng mundo ko?
28. Bakit mas pinili mo siya?
27. Bakit mas masaya ka sa kanya?
26. Bakit hindi ako naging sapat?
25. Bakit hindi mo ako pinaglaban?
24. Bakit hindi ka nag take ng risk para sating dalawa?
23. Bakit mas ka sumuko kaagad?
22. Bakit hindi mo ako binigyang halaga?
21. Bakit hindi ka naging masaya?
20. Bakit mo hinayaang matapos tayo?
19. Bakit ang unfair mo?
18. Bakit mo hinayaang mapunta sa wala ang lahat ng pinagsamahan natin?
17. Bakit mo pa sinambit ang salitang mahal kita kung sasambitin mo din pala ang salitang paalam hanggang dito na lang?
16. Bakit kahit alam kong wala na eto parin ako nagiintay sa pababalik mo?
15.Bakit kapa nagpakita kung sa huli maglalaho karin lang pala na parang isang bula?
14.Bakit moko pinapaasa ng ganto?
13.Bakit sa dami dami ng lalaki sa mundo, bakit ikaw pa na kaibigan ko?
12.Bakit tila nawalan ng sigla ang pagmamahalan na dati ay puno ng tuwa?
11.Bakit mo pinili na hanggang dito na lang kung kaya pa naman lumaban at maging masaya? 10.Bakit ang saklap ng mundo, bakit nya tayo pinagtagpo kung hindi ka rin naman para sakin?
9.Bakit ganon, kung sino pa ang nagmamahal sya ang laging iniiwan?
8.Bakit sa huli ako padin ang kawawa habang ikaw sobrang saya na sa piling ng iba?
7.Bakit diko makuha maging masaya para sainyong dalawa?
6.Bakit hindi na lang tayo bumalik sa dating tayo?
5.Bakit ang lahat may katapusan?
4.Bakit hindi pwedeng laging masaya?
3.Bakit lagi tayong iniiwan ng taong mahal natin?
2. Bakit ganon, kahit ang sakit na mahal padin kita?
1. Bakit ang hirap makalimot ng pusong nagbigay ng sobrang pagmamahal?
Comments