20 TIPS PARA SA PAGMOMOVE-ON MO
- Teshies
- Oct 26, 2017
- 3 min read

20. Fix yourself. Unang una, pagkatapos ng break-up niyo, ayusin mo sarili mo. 19. Cry. Umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa mapagod ka. Iiyak mo lang yung sakit. 18. Get Rid of Reminders. Iwasan mo na yung mga bagay na makapagpapaalala sa kanya. 17. Avoid Social Media. Walang masama kung ia-unfriend or ibo-block mo siya, pero much better kung i-hide mo nalang siya sa lahat ng social media accounts niya. 16. Break-up Playlist. Listen to songs; be it heartbreaking or not, it's still fine. Music helps emotionally too. 15. Be Sad. Hayaan mong maging malungkot ka lang. Wag mong pigilan yung emotions mo. 14. Ex-Detox. Try not to text, call or even talk to him. Cut the contacts. Makakatulong yun para sayo. 13. Change Your Hairstyle. Baguhin mo look mo. Mag-try ka ng bagong hairstyle or do make-up, this somewhat helps in some way. 12. Shopping. Go for a shopping spree. Pumunta ka ng mall at bilhin mo lahat ng gusto mo, atleast nalilibang ka. 11. Go on a trip. Try to go out-of-town trips. Mag unwind ka sa malayong lugar. Away from stress, away from him. 10. Go Outside Of Your Comfort Zone. Mag try ka ng mga bagong bagay. Mag explore ka. Umalis ka mag-isa. Boost your confidence. 9. Watch Your Favorite Movies. Manood ka ng sine mag-isa or with your friends. It will heal you too. 8. Party With Your BFFs. A night out is good. Magwalwal ka with friends, makakatulong din yan para sayo. 7. Understand That Being Single is Fun. Intindihin mo na hindi porket single ka, eh malungkot na buhay mo. Isipin mo yung magiging advantages ng pagiging single mo. Free yourself. 6. Pour Your Heart Out to Your Bestfriend. Walang tatalo sa pagkakaroon na isang trust-worthy at tapat na bestfriend. Mabuti na yung may kasama ka sa laban mo. Someone to comfort you, someone that knows you. 5. Spend Time With Family. Pumunta ka sa pamilya mo, bond with them. Because at the end of the day, sa kanila ka pa rin tatakbo sa lahat ng mga problema mo. 4. Think of Why You Should Be Happy. Isipin mo yung mga dahilan at mga bagay kung bakit ka dapat maging masaya araw-araw. 3. Accept. Tanggapin mo na wala na talaga. Accept that you two are not destined for each other. Tanggapin mo na hindi kayo para sa isa't-isa. Hindi makakatulong sayo kung magtatanim ka pa ng sama ng loob at galit diyan sa puso mo. 2. Forgive. Patawarin mo siya. Hindi ibig sabihin nito na papabalikin mo ulit siya sa buhay mo. Forgive him in a way na ubos na lahat ng galit mo sa kanya. Forgiveness means letting go of your grieves and anger, and moving on too. 1. Forget. Lastly, kalimutan mo na siya. Kalimutan mo lahat ng mga kasalanan niya, lahat ng galit niyo sa isa't-isa. Forgetting too doesn't mean that you will let go of the memories you had together, it does mean that you are fully recovered from the pain already. Ipinapakita nito na kaya mo nang mag move on at kaya mo ng mag-continue sa buhay mo ulit, and hoping that they move on with theirs too. You may forget him, but the memories are still in your mind and in your heart. Gold and happy memories that you will still treasure forever.
Comments