Limampung SANA ng isang Sawi
- Teshies
- Oct 13, 2017
- 3 min read

50. Sana kaya pa ibalik ang lahat.
49. Sana ako na lang siya, para hanggang ngayon kasama padin kita.
48. Sana sa pagbalik mo ako padin ang iyong mahal.
47. Sana kaya kong ibalik ang oras, mga oras na kasama kita.
46. Sana naalala mo din ako tulad ng pagalala ko sayo.
45. Sana nangulila ka din tulad ng pangungulila ko sayo.
44. Sana mahal mo padin ako kasi hanggang ngayon ikaw padin.
43. Sana hindi na lang natapos ang lahat kasi ang hirap kalimutan ang mga bagay na alam ko dun lang ako naging masaya.
42. Sana kasing tapang mo ako na kaya agad humanap ng iba pagtapos ng masakit na paalam.
41. Sana kasi hinanda ko agad yung sarili ko para hindi ako nasasaktan ng ganto.
40. Sana pwede padin kitang tawagin na "mahal" kaso hanggang bulong na lang kasi pagmamayari kana ng iba.
39. Sana maramdaman mo na mahal mo padin ako.
38. Sana kaya ko na para hindi na ako nahihirapan ng ganto.
37. Sana matapos na tong sakit kasi ang hirap magsimula ng bago lalo na ikaw padin ang tinitibok ng puso ko.
36. Sana sa paglipas ng panahon magtagpo man ang landas natin sa panahon na yun sana pwede na ulit, pwede na ulit simulan ang naudlot na pagmamahalan
35. Sana wala ng katapusan yung pagmamahal na yun dahil ang tanging gusto ko ay makasama ka panghabang buhay.
34. Sana maalala mo lahat ng pangako na binitawan mo na tila ba naging isang pako na lang na ang hirap tanggalin sa isip at puso ko.
33. Sana sa paglubog ng araw makaya ko na hindi umiyak at maging masaya para sayo.
32. Sa pagsapit ng dilim sana magawa ko ang hindi humikbi at lumuha ng dahil sa sakit na iniwan mo.
31. Sana maalala mo ang saya na bigay ko na ngayon iba na ang nagbibigay nun sayo.
30. Sana dumating ang araw na makaya ko sabihin ang pangalan mo na walang nararamdaman na sakit.
29. Sana sa mga oras na ito, naaalala at naiisip mo rin ako.
28. Sana sa mga panahong ito, masaya ka kahit nagtapos na tayo.
27. Sana alagaan mo yung sarili mo habang wala ako.
26. Sana napasaya kita noong mga araw na magkasama pa tayo.
25. Sana palagi mo paring tandaan na nandito lang ako para sayo.
24. Sana wala kang pagsisisi sa buong pagsasama natin.
23. Sana naipadama ko sayo na mahal na mahal kita.
22. Sana naging mabuting partner o girlfriend ako sayo.
21. Sana huminto nalang yung mundo para hindi na tayo nagkagulo.
20. Sana naibigay ko sayo lahat ng mga gusto mo.
19. Sana ngayon, nabubuhay ka ng masaya at naaayon sa gusto mo.
18. Sana makahanap ka ng babaeng kayang tumbasan yung pagmamahal ko para sayo.
17. Sana yung sakit na nararamdaman ko ngayon, ramdam mo din.
16. Sana kung gaano mo ako kabilis na iwan, ganun din sana kabilis mawala yung sakit.
15. Sana ngayong may mahal ka ng iba, alagaan ka niya gaya ng pagaalaga ko sayo.
14. Sana hindi mo gawin sa iba yung nangayari sating dalawa.
13. Sana lahat ng poot at sama ng loob na nararanasan ko ngayon, mawala na.
12. Sana lahat ng mga alaalang naitanim natin, hindi mo makalimutan.
11. Sana pinatawad mo ako sa mga naging kasalanan ko.
10. Sana kinaya mo pang lumaban.
9. Sana kinaya mo pang magsakripisyo para sating dalawa.
8. Sana ginawa mo lahat para masalba pa tayong dalawa.
7. Sana inisip mo man lang yung mararamdaman ko.
6. Sana inisip mo man lang yung magiging bunga nito sa relayon nating dalawa.
5. Sana pinagbutihan mo ang pagpapasya.
4. Sana tinapangan mo pa para sating dalawa.
3. Sana ngayon masaya ka na.
2. Sana makalimutan na kita.
Comentarios