Animnapung #AnongSpecialTalentMo Broken-Hearted Version
- Teshies
- Sep 28, 2017
- 3 min read

60. Kaya kong istalk ang ex ko kahit na ang saki sakit na.
59. Kaya kong mag mahal ng ako lang ang nakakaalam.
58. Kaya kong magpanggap na masaya kahit na ang saki sakit na.
57 Kaya kong tanggapin kapa sa buhay ko kahit na ilang beses mo pako niloko
56 Kaya kong ipaglaban ka sa magulang ko basta wag mo lang ako iwan.
55. Kaya kong magsorry ng paulit ulit sayo kahit na hindi ko kasalanan, ganon kita kamahal.
54 Kaya kong magpanggap na ok nako kahit na ang totoo ang hirap hirap na.
53 Kaya kitang mahalin ng paulit ulit kahit na binabaliwa mo ko.
52 Kaya kong pasayahin ka kahit hindi ako ang kasiyahan mo.
51 Kaya kong ipagmalaki ka sa mga kaibigan ko kahit na hindi moko gusto.
50. Talent ko ipagdasal ka sa Diyos kahit na hindi ka niya ibigay sakin.
49. Kaya ko magsabi ng totoong nararamdaman ko sayo kahit na tingin mo ay biro.
48. Kaya kong bigyan ng kulay ang buhay mo kahit na black and white lang ang gusto mo.
47. Kaya ko sabihin ang I Love You sayo kahit na iba ang gusto mong magsabi sayo nito.
46. Kaya kong mahalin ka ng walang hinihingi na kapalit.
45. Kaya kong magpanggap na kaibigan mo lang kahit na gustong gusto kita.
44. Kaya ko maging masaya para sayo pero wag mong iexpect na masaya talaga ako.
43. Kaya ko magpanggap na ok lang ako sa tuwing nakikita kitang masaya kasama sya.
42. Kaya ko makinig sa mga kwento mo kahit puro sya ang laman nito.
41. Kaya kong magpanggap na kinikilig sa inyong dalawa kahit na ang totoo nasasaktan ako.
40. Kaya kong mag effort kahit alam kong babaliwalain mo din.
39. Kaya ko mag-effort na pasayahin at pangitiin ka, kasi kahit hindi mo man ako mahal, ligaya mo'y langit ko na rin.
38. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano kabigat. Kahit gaano kalungkot. Kaya ko pa ring ngumiti para sa'yo.
37. Kaya kong sabihin na naka move on na ko kahit na alam ko sa sarili ko na hindi madaling gawin yun.
36. Kaya kong intindihin ka kahit pagod na pagod na akong umintindi.
35. Kaya ko ngumiti at tumawa kahit kakaiyak ko lang.
34. Kaya ko magpasaya ng iba, pero hindi ko mapasaya sarili ko.
33. Kaya ko ichat ka kahit na hindi ka magrereply.
32. Kaya kong magkagusto sa taong di ako magugustuhan.
31 Kaya ko siyang pahalagahan kahit hindi na ako mahalaga sakanya.
30. Kaya ko magpanggap na hindi ko siya mahal, sa harap ng taong mahal niya at mahal siya.
29. Kaya kong ipaubaya siya sa iba dahil doon siya masaya.
28. Kaya kong palayain siya kapag alam kong hindi na pwede talaga.
27. Kaya kong magtiwala ulit kahit ilang beses na akong niloko.
26. Kaya kong mahalin ang taong hindi niya alam na nageexist ako.
25. Kaya kong gawing mundo ang dapat tao lang.
24. Kaya kong punuan lahat ng mga pagkukulang mo.
23. Kaya kong magselos at masaktan kahit na wala naman akong karapatan.
22. Kaya kong maghintay ng walang kasiguraduhan.
21. Kaya kong maghintay ng matagal makasama ka lang.
20. Kaya kong isakripisyo ang araw at oras ko makita ka lamang.
19. Kaya kong kalimutan at balewalain ang lahat, manatili ka lang. Di man buo na akin ka, at least kahit panggap lang.
18. Kaya kong mag take ng risks para makuha lang yung tiwala at pagmamahal mo.
17. Sumugal kahit sa simula palang, alam kong talo na.
16. Kaya kong lumaban ng walang armas, pag-ibig ko lang ayos na.
15. Kaya kong tumaya para sayo. Ang mali ko lang, matatalo na pala ako.
14. Kaya kong maging weird. Kasi kahit na alam kong ako'y limot mo na, mahal parin kita.
13. Kaya kong maging ilaw sa napakadilim mong mundo.
12. Kaya kong bigyan ka ng atensyon kahit na hindi mo hinihingi.
11. Talent kong ibigay ang lahat sayo kahit na ubos na ubos na pagkatao ko.
10. Kaya kong magbigay ng higit pa sa second chance para lang sa kanya.
9. Kaya ko magkunwaring hindi ko siya miss kahit halos mabaliw nako kakaisip sa kanya.
8. Kaya ko magpanggap na strong ako kahit na ang hina ko pag dating sayo.
7. Kaya kong makinig sa lahat ng sinasabi mo kasi gusto ko masaya ka.
6. Kaya kong sundin lahat ng utos mo, kasi gusto kong sundin yung taong mahal ko.
5. Kaya kong magbasa ng mga old conversations natin at pagkatapos ay sobrang masasaktan.
4. Kaya kong patayin ang sarili ko sa pagtingin ng mga pictures mo at pictures nating dalawa noong tayo pa.
3. Talent kong maging ibigay lahat ng gusto mo, makita ko lang mga ngiti mo.
2. Kaya kong isipin ka mula paggising sa umaga hanggang sa pagtulog ko.
1. Kaya kong makinig ng mga kantang nakakapagpaalala sayo, at pagkatapos ay magdudusa ako dahil ang sakit sakit na.
Comments