70 Na Mga Bagay Na Ginawa Sa'yo ng Jowa Mo Noon, Na Alaala Nalang Ngayon
- Teshies
- Sep 23, 2017
- 5 min read

70. Oh wag ka munang iiyak. Simula palang to. Kalma lang bes. 69. So, syempre nagsimula ang lahat ng kahibangang to nung niligawan ka niya. 68. Andiyan yung magpapaalam na siya sa parents mo na nililigawan ka na niya. Syempre kabado bente kayo, pero dahil pinayagan siya. Eto na. 67. Una palang, SML na. Syempre gusto niya mapasagot ka. 66. Unang ginawa niya, nagpakitang-gilas siya sayo habang nanliligaw siya, syempre! 65. Nandito yung napakamabulaklak ng mga banat niya sayo. Halos lahat ng mga sinabi niya sayo, parang kinikiliti ka sa sobrang tamis. Bola-bolang siopao pa! 64. Hindi siya pumalyang mag text o mag chat sayo kada segundo. "Good morning. Kumain ka na ha. Have a good day " etc. 63. Andiyan yung kapag nagkikita kayo, kukulitin ka niya. Syempre nagpapaka-gentleman kuno siya sayo. 62. Palagi kang sinusundo. Partida kahit gabi na, ihahatid ka pa niya. Trabaho niya daw kuno yun bilang manliligaw mo. Dahil gusto niyang safe ka. 61. Tapos andiyan yung araw-araw pig life ka. Be it chocolates, donuts, at cravings mo binibigay niya. 60. Oh aminin. Minsan may pa-bulaklak pang bigay si Mayor sayo. Para daw sweeeeet. 59. Kapag bumibisita siya sa bahay niyo, pati mga parents mo may pasalubong. 58. At siyempre ikaw naman tong gaga, medyo nafa-fall din. 57. Makalipas ang ilang buwan pa, mas lalo kayong nagkakakilanlan. Nakilala mo na yung tunay na ugali niya. 56. Nung dumating yung time na nagtanong ulit siya kung pwede na ba daw maging kayo, eto na dug dug dug dug syempre sumagot ka ng OO! 55. At naging kayo na nga. SML parin yan syempre. 54. Dito na kayo nagkaroon ng endearments to each other. Babe, baby, mahal, sweetiepie, honey my love so sweet, buko pie, bebeq, yhabs, mhie at dhie, yhatot, batgirl at batman, etc. AYWANKONALANGSAINYO. 53. Ganun padin. Hinahatid at sinusundo ka parin niya. Level up nga lang syempre. Sabay na kayong papasok papuntang school at uuwi galing school. Hindi na kayo mapaghiwalay. Odiba. 52. Ipapakilala ka na niya sa parents at friends niya. Kasi proud daw siya na ikaw yung girlfriend niya. So he'll tell the whole world that you are the girl that he loves. Lol. 51. Same routine. Hindi padin siya pumapalyang mag text o mag chat sayo. He makes it sure na everytime niya naipapakita na mahal ka niya. Awee
50. Palagi ka siyang nagsasabi ng "I love you, mahal" at "Mahal na mahal kita, babe" sayo. 49. Everyday is a good day for the both of you. Syempre may inspirasyon ka to live your life. Everyday is a chance din na mas magkakilanlan pa kayo. 48. Everyday is a way also para lumalim pa yung relationship at pinagsamahan niyo. 47. Nang maging kayo, andiyan na nagsimula yung mga 'firsts' niyo pareho. 46. You had your first hug and first holding hands. Yiiieee. 45. Nandiyan din yung first date niyo together. 44. Gumala kayo kung saan saan. Explored things. Kumain sa iba't ibang lugar. 43. Oh hinga ka muna. Itutuloy na natin to. 42. Eto na nga. Hindi pa natapos yung mga 'firsts' nyo. Alam niyo yun, dahil love niyo ang isa't isa dadating at dadating talaga yung first IYKWM hehehe. First kiss nyo. 41. Syempre sa isang relationship, hindi lang happy everytime. You also had your first fight. Your first argument. 40. Pero dahil ika nga niya, ibababa niya yung pride niya magkaayos lang kayo. Kaya ayun, bati na kayo. 39. Lumipas pa yung mga araw, patagal kayo ng patagal. 38. Andiyan yung first monthsary niyo. Yiieee. Memories. Sinurprise ka niya at sinurprise mo rin siya. 37. Nagkaroon kayo ng second, third, fourth monthsaries. Padami na din ng padami yung mga surprises niyo together. 36. Everyday niyang pinapadama sayo na mahal ka niya at ikaw yung prinsesa niya. Lol. 35. Siya din yung unang taong dinadamayan ka sa lahat ng mga problema at mga echos mo sa buhay mo. 34. Lagi tayong magkatext yung tipong minuto lang na di ka magreply miss na kita 33. Lagi moko tinatawagan oo lagi, Kahit nga sa pagtae ko kausap kita e 32. pagkasama kita feeling ko sobrang bilis ng oras kaya pag oras na ng uwian ayoko munang umuwi kasi mamimiss agad kita 31. Pag uwi sa bahay lagi kong baon ang ngiting binibigay mo ngiti na akala mo wala ng bukas ganon
30. Di naglaon lumipas ang panahon tumagal tayo. 29. Ang saya oo ang saya umabot tayo ng 3yrs oo 3yrs yung inabot natin 28. Sa 3yrs na yun sobrang saya natin sobra sobra na akala ko ba wala ng katapusan yung saya na yun 27. Umabot tayo ng 3yrs at 6months dun na nagsimula ang mga away na tila ba di na mabigyan ng solusyon 26. Isa sa mga pagaaway natin ay ang walang time. 25. oo dko alam bat ka nawalan ng time siguro dahil sa sobrang luwag kong payagan ka sa lahat ng gusto ko pero sana alam mo na namimiss kita 24. Isa pa, selos oo selosa ako kasi takot ako takot ako na nakikita kang masaya sa iba at di kana nagiging masaya sakin 23. Messages, oo ultimo mga message mo ang limit na mga reply na ge ingat ge kumain kana. kahit yung ilove you mo naging labyu na. napaisip ako na mahal mo paba ako? 22. Oo busy ka sa pag aaral oo ang dami mong priority sa buhay pero nasan nako dun? isa padin ba ko sa mga priority mo? 21. Mahal bat tayo naging ganto? bat bigla kang nagbago? ako padin ba ang mahal mo? 20. Nakakasalubong kita oo ngingitian moko sabay sabi "mahal uwi ka agad magdodota lang kami" ako naman "ah sige ingat" pero ang totoo sakit na 19. Sana pala marunong nalang ako magdota para ako yung yayayain mo at maglalaro tayo. 18. Umaabot ka ng anong oras sa kakadota mo, di mo magawa magreply sa mga text at chat ko pero sa iba nagagawa mo oo nagagawa mo 17. Mahalaga paba ako sayo? Kasi dko na alam kung san pako lulugar dko na alam kung may lugar paba ako sa buhay mo 16. Naisip ko na eto lang ako hanggang dito na lang ako isa na lang akong tao na nagpapakilala bilang girlfriend mo 15. Gusto ko ng sumuko gusto ko ng bumitaw pero dahil sa mahal kita naniniwala akong maayos pa tong lahat 14. Isang araw oo nagsama tayo lumabas tayo pero ang atensyon mo nasa cellphone mo at wala sakin 13. sana cellphone na lang ako para anytime hawak hawak moko katulad ng pag hawak mo sakin nung una na para bang di moko kayang bitawan 12. Hinatid moko sa sakayan oo sa sakayan lang sabi mo "ingat pag uwi" umasa ako na ihahatid moko hanggang bahay dun ko naramdaman na di na talaga ako mahalaga 11.nakauwi nako ng nabasa ko ang text mo na "sorry sana sa huli nating pagsasama kanina napasaya kita"
10. Tumulo ang luha ko kasabay nito ang pag durog ng puso ko 9. Napakasakit na yun na pala ang huli nating pagsasama, napakasakit na sana nasabi ko ang lahat bago moko iniwan. 8. Natapos ang lahat na wala akong laban natapos ang lahat na naiwan akong lutang 7. Diko alam kung pano pa magsisimula, dko alam kung kakayanin ko pa dahil ang sakit na iniwan mo ay tagos sa puso ko 6. Dko alam bat moko iniwan ng ganto, ako ba ang mali? Ako ba ang nagbago? Ako ba? 5. Sana naman kinausap moko ng maayos dahil Ngayon nagbabakasakali padin ako na sa huli ay tayo 4. Maniniwala padin ako sa forever dahil kakapit padin ako sa salitang ikaw at ako 3. Hayaan moko mahalin ka padin sa paraan na alam ko 2. Dahil sa totoo ang hirap kalimutan na ang dating tayo ay naglaho 1. At tumagal man ang panahon ng pag aantay pumuti man ang mga uwak mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Comments